in

#BuildBuildBuild: 10.10 kilometrong bahagi ng TPLEX bubuksan para madaanan ng publiko ngayong kapaskuhan

Kinumpirma ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang pagbubukas ng 10.10 kilomentrong bahagi ng Tarlac-Pangasinan-La Union Toll Expressway (TPLEX) ngayong Disyembre.

via dpwh.gov.ph

Ayon kay Villar, nangako ang project concessionaire nitong Private Infra Dev Corp. (PIDC) na tatapusin ang naturang proyekto upang mapakinabangan ng mga motorista ngayong darating na kapasukhan kung saan daan-daan ang inaasahang uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.

“The additional 10 kilometer road would ease traffic and significantly reduce travel time from Tarlac to Pozorrubio from 2 hours and 30 minutes to just 45 minutes,” ani ni Villar.

via acebook.com/radyopilipinas

Inaasahang ang naturang kalsada muka Binalonan hanggang Pozorrubio, Pangasinan ang magkukumpleto sa higit 78.39-kilometrong expressway na siyang magkukunekta sa mga karatig probinsya ng Tarlac at Pangasinan.

Paliwanag ni Villar, ang huling 10.92 kilometrong bahagi ng TPLEX Pozorrubio, Pangasinan hanggang Rosario, La Union ay inaasahang matatapos sa Hunyo ng taon 2019.

via rappler.com

“Upon full completion, TPLEX would reduce travel time from Tarlac to Rosario, La Union from 3.5 Hours to just an hour, benefitting an average of 20,000 vehicles per day,” dagdag ni Villar.

Basahin ang Facebook post ni Secretary Villar kaugnay dito:

via facebook.com/SecMarkVillar

 

 

Source: Radyo Pilipinas | Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

Comments

comments